Math Day 2017

         Oktubre 6, 2017- ginanap ang Buwan ng Pambansang Istatistika o kilala sa tawag na Araw ng Matematika. Maraming mag-aaral at guro ang nakibahagi sa okasyon ito. May mga iba't iba ring gawain na pwedeng salihan ng mga mag-aaral tulad ng Matheoke, Mathching ball, Quiz Bowl, Rubik's Cube Challenge, Videoke Challenge, Sudoku Challenge, Bingo, Math Park, Amathzing race at marami pang iba.





         Sa baitang siyam, maraming kakaibang parke ang makikita sa bulwagan. Kanya-kanyang pagpapakita ng pagkamalikhain pagdating sa dekorasyon, laro, at iba pang gimik na mayroon sila. Ang Berchmans ay may mala-Mcdonald's na konsepto. May laro silang snake n' ladders, pop the balloons at iba pa. May pa-premyo ring mga kendi. Sa Canisius naman ay mala-circus na konsepto. Ang mga lalaki ay nakapang payasong damit na nag-aabang sa pasukan. May mga cotton kendi rin sila at popcorn. Nakakapanghamon rin ang kanilang laro na kung saan ang apat na maglalaro ay bubunot ng ekwasyon at sasagutin ito sa loob ng 30 segundo. Matapos nilang makuha ang ekwasyon, aapak ang isang maglalaro sa sagot na nasa sahig at poporma silang lahat ng isang titik. Ang kanilang premyo ay kendi rin at koton kendi. Sa Chabanel naman ay may pop the balloons na may ekwasyon sasagutin kapag naputok ang lobo. Mayroon ring roll the dice at kapag anong numero ang nasa taas ay may sasagutin ring ekwasyon. Ang makakasagot ay makakatanggap ng biskwit bilang premyo. Sa Colombiere naman ay pambatang konsepto na nakakaiba sa lahat. May basketball na laro at napakaraming laruan. Sa Daniel naman ay mala-halloween o horror. Ang mayroon silang photobooth, Dedication letter, pop the balloons, A minute in hell at marami pang iba na sakto sa darating na undas ngayong Nobyembre. Sa Faber naman ay Freak Show. May tiketa silang ibibigay bago makapasok sa kanilang parke. Sa bawat larong malalaro mo ay may matatanggap kang papel na papalitan mo sa mga premyong mayroon sila. At ang panghuli ay ang Southwell na may 90's na konsepto. May musika sila, ang kanilang damit ay mala-90's rin at may iba't ibang laro. Sa larong mapapanalunan mo ay pwede kang pumili ng isang lalaki galing sa kanilang seksyon para makasama sa photobooth bilang premyo. 


        Ang lahat ng ito'y pinaghirapan at pinagpawisan upang masigurado lamang na matamasa ng bawat mag-aaral ang pagbisita sa kanilang parke. Tiyak naman na hindi nagsisi ang mga bumisita rito at lahat naman ay nasiyahan at may napanalunan.

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.