Araw ng mga Guro, ginunita!
Noong naakaraang 5 ng Oktubre 2017 ay ipinagdiriwang ang kakatapos lang na araw ng mga guro sa ADZU JHS. Sabay-sabag ang lahat na nagdiwang ng masayang pagkakataon na isang beses lamang ginaganap sa isang taon. Ang tema ng taong ito ay “ Aloha Teacher’s Day 2017” Kaya’t magbalik tanaw tayo sa mga pangyayari ng katatapos lang na araw ng mga guro.
Ang simula ang araw ng pagdiriwang sa isang misa na dinaluhan ng mga mag-aaral at mga guro . Si Fr. Karel San Juan ang nagdaos ng misa, na nagbigay din ng kaniyang sariling personal na karanasan sa kaniyang mga naging guro. Bago magsimula ay nagbigay ng “opening remarks” ang COL President na si Kim Heart Quimson. Pagkatapos ay ang sinimulan naman ng inihandang programa para sa mga guro at estudyante. Inabangan ng mga estudayante ang pagrampa ng mga staff at bawat guro mula iba’t-ibang kagawaran. Sabay sa kanilang pagrampa ay ang pagpappakita din ng iba’t-ibang makukulay, magadanda, at ayon sa tema na disenyong kanilang mga kasuotan. Ang bawat guro ay talaga namang nagahanda sa kanilang ispesiyal na araw. Nagkaroon din ng pagbibigay ng trivia na mga tanong sa mga mag-aaral na kay kani-kaniyang kinalaman sa kakanilang mga guro.
Nagbigay
din ng sari-saring mga pagtatanghal ang mga piling grupo ng mgga estudyante at
mga mag-aaralm. Isa na rito ng bidyo na ginawa ng Punlaan, tungkol sa mga
iba’t-ibang klase ng guro. May inihanda
din ang DANZAR Atenista na sayaw para
mga mag-aaral at mga guro. Di naman magpapahuli ang mga guro ng JHS, ilang
piling guro ng JHS ang naghandog ng sayaw para sa mga estudyante nila at mga
kapwa guro. Ang mga iba’t-ibang pagtatanghal ay sadyang nagpaaliw sa mga
mag-aaral ng JHS.
Di rin makakalimutan ang pagbibigya ng nga
iba’t-ibang paranggal at pagkillala sa mga pinakamamahal nating mga guro.
Silipin ang mga iilan sa mga panranggal na to. Unang inanusiyo ang paranggal
para Student’s choice award na, iginawad kay G. Rovic John F. Eslao ng
kagawaran ng araling panlipunan.
Nasungkit naman nina Bro. Ed Colmenares at Gng. Julie Malcampo ang Mr. And Ms. Aloha award 2017. Si ma’am Fern Am-Is ang nakakuha ng best perfomer award. Sa Teacher’s Got Talent naman ay itinanghal na kampiyon ang kagawaran ng TLE. Nasungkit ang nina Ma’am I-C De Castro ang Best Female Dressed award at Sir Jude Ismael para sa Best Male Dressed Award. Samantalang ang Early Bird Award ibinigay kay Ma’am Brigida Olivares.
Kakaibang
saya ang naiidudulot ng ganitong mga pagdiriwang sa ating mga pinakamamahal na
mga guro at sa mga mag-aaral na rin. Ang mga guro ay malaking parte ng kung ano
tayo, sila ay dapat pahalagahan di laman sa araw nila kundi sa bawat araw na
nakakasama natin sila. Kaya ay ang mga pagdiriwang na tulad nito ay di dapat
pinalalampas at dapat sinusulit dahil paminsan laman ito sa isang taon.
Walang komento: