TUNGKOL SA AMIN
Ang La Liga Atenista ay isang pahayagang malaya at mapagpalayang palitan ng kuro-kuro ukol sa mahahalagang pangyayari, bagong trends, mga isyu, at usaping pampaaralan, panlungsod, panrehiyunal, at pambansa. Ito ay binubuo ng lupon ng mag-aaral na tumataguyod ng karapatan ng bawat mag-aaral na makialam at makilahok sa pangkalahatang kapakinabangan ng buong pamantasan. Layunin ng pamahayagan na maging matapat, totoo at matapang sa paglatag ng katotohanan sa loob at labas ng pamantasan. Gusto ng pamahayagang maging tulay sa pagiging malaya, mapanuri at malikhaing pagtatalayakan kabilang na rito ang panunuri ng mga mag-aaral hinggil sa mga napapanahong usaping pampaaralan at panlipunan. Tumayo bilang isang buhay at masiglang kinatawan ng mataas na paaralan para sa ibang paaralan at sekta ng lipunan. At higit sa lahat, maitaguyod ang tunay na diwa at damdaming Atenista na maipalaganap at mapayaman ang wikang pambansa at ituon ang lahat ng gawain sa pagsulong na pananaw ng pananampalatayang Kristiyano.
Walang komento: