Ang mga huling BIDA NG ARAW. #JHSIntrams17


Kasuotan ng araw! Si Harson Isnani Jr. ay isa sa mga napili na na-itampok na kasuotan para sa huling araw ng Intrams 2017. Ang kaniyang bughao na t-shirt na galing sa Regatta, maong na pantalon mula sa Topman, at sapatos na may tatak na Adidas ang kaniyang napili na suotin sa araw na ito.


     Pangalawa sa napili ng Suot  ng Araw! Ang isa sa mga napiling suot ng araw ay nagmumula sa Faculty and Staff, at siya si Ms. April Alas-as. Siya ay ang kalihim ng punongguro. Ang kaniyang suot ay ang t-shirt na bigay ng kanyang kapatid, pantalon at sapatos ay galing sa ukay. 


      Pangatlo para sa Suot ng Araw! Si Fr. Arnel Ong, SJ ay isa sa mga napili na may magandang damit para sa huling araw ng Intrams. Ang kaniyang puting polo na binigay sa kanya, maong na pantalon ay nabili sa isang tindahan sa Manila, at ang sapatos ay mula rin sa isa sa mga tindahan sa Southway.


     Unang napili na manlalaro ng araw! Si Zaifa Imlan ay isa sa mga napiling manlalaro ng araw. Nakalaro na siya sa ABC Cup noong 2012. Natututo siyang maglaro ng basketball dahil sa pagsama-sama niya sa kaniyang kuya habang siya ay nag-eensayo. Ngayong Intrams, siya ay naglaro ng Basketball, Sepak, Volleyball, at Soccer. Siya ang hinirang na MVP ng Basketball girls.

 

    
  Si Winford Enriquez, ay isa din sa mga manlalaro na mula sa baitang 9 na nahirang bilang manlalaro ng araw. Ang kanyang isport na sinalihan ay ang Basketball boys at sila din ang nanalo bilang kampeon sa laban na iyon.

 
  
        Tindahan ng Araw! Ang ating napili bilang Tindahan ng Araw ay ang O'Noodle. Ang kanilang binebenta ay gaya nga ng sabi ng kanilang pangalan ng tindahan, noodles. Madami kang mapipilian na mga flavors o style ng fried noodles mo. Puede kang magpalagay ng Siomai, at puede mo itong lagyan ng malinamnam na sauce na may maanghang at di maanghang. Swak lang din ito sa budget mo, at hindi ka magsisisi kung bakit mo ito nabili.
 

       Ang Pagkain para sa Araw na ito ay ang Siomai. Marami kaming napapansin na bumibili ng siomai sa ibat-ibang mga tindahan, at  iba-iba din ang mga opinyon nila tungkol dito. Sa isang order mo, may makukuha kang tatlo hanggang apat na Siomai (depende kung anong tindahan ang inyong pinuntahan). May kasama din itong pampalasa na Kalamansi, Chilli, at Toyo.


Ito ay ang huling parte ng aming post. At nagpapasalamat po kami sa pagtangkilik at pagsupporta sa amin sa Intrams 2017. Ginawa niyo kaming sandigan ng balita o updates tungkol sa mga puntos ng mga laro. Nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga nag favorite or nag retweet ng mga tweets namin dahil mas pinapalawak nila ang mga kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa Intrams. Hanggang sa muli!

Mahal namin kayo! 

1 komento:

  1. Hard Rock Hotel & Casino Tulsa - Mapyro
    Discover short videos 대구광역 출장샵 related to Hard Rock 대구광역 출장마사지 Hotel & Casino Tulsa 아산 출장안마 on Mapyro. Harrah's Cherokee Casino Resort 김포 출장마사지 in 청주 출장샵 Tulsa, OK and Hard Rock Casino at

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.