Ang Pagtatapos #JHSIntrams17





Ang Intramurals 2017 ay humantong na naman sa isang wakas. Ang tatlong araw ng sigawan, paglalaro, at pagsasaya ay nagtapos na. Ang mga alaala na sama-sama nating nabuo ay mananatiling nakatatak at nakaukit sa ating mga puso at isipan.


Sa loob ng tatlong araw, sana tayo ay may natutunan sa lahat ng mga laro at patimpalak na ating napanood, sinuportahan, at sinalihan. Ang mga aral na dapat nating baunin ay ang pagtutulungan at pagkakaisa sa lahat ng oras.


Ang Xanthrons ang hinirang na Overall Champion para sa taong ito. Ngunit kung tutuusin, lahat tayo ay panalo dahil naipamalas ng bawat isa sa atin ang ating mga talento. Lahat din tayo ay nakibahagi at nakiisa sa mga naganap.


Ngunit sa bandang huli, kahit magkaiba man ang mga baitang na ating kinabibilangan, dapat pa rin tayong magkaisa at magtulungan upang makamit ang ating mga mithiin at ito ay magtutungo sa isang magandang pagkakaibigan at samahan na magtatagal kahit nagtapos na ang Intramurals.





-Sameeya Sumbing

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.