Wolverines, hinirang na kampeon sa Basketball Men’s Division #JHSIntrams17



      Pinataob ng Yellow Wolverines ang Blue Xanthrons sa Finals ng Higher Category ng Men’s Basketball sa 42-40 na puntos na ginanap sa FANCC ng FWHKSJ Campus ng Pamantasang Ateneo.


        Sa unang bahagi ng laro, maagang nagsimula at umarangkada ang Xanthrons at lumubo ang kalamangan sa 13-2 na puntos kaya’t maagang napa-timeout ang Wolverines. Pagkatapos nito, nagsimulang uminit ang Wolverines at nakahabol sa agwat ng Xanthrons sa 16-12 na puntos. Mula sa puntong iyon, nagkapalitan ng puntos at mas hinigpitan nila ang kanilang depensa ngunit, napanatili ng Xanthrons ang kalamangan sa pagtatapos ng unang bahagi sa 22-18 na puntos.

           

        Sa ikalawang bahagi, naunang nakapuntos ang Wolverines at nakaungos na mula sa Xanthrons sa 26-22 na puntos. Napalobo pa ang kalamangan ng Wolverines sa 36-28 na puntos sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na puntos mula sa  tres. Mas hinigpitan ng Xanthrons ang kanilang depensa at nakahabol sila at naitabla ang laban sa 36-36 na puntos. Nakalamang ang Xanthrons sa 39-38 na puntos sa pamamagitan ng isang three-point play. Ngunit, hindi nagpatinag ang Wolverines at nakapuntos rin sa pamamagitan ng three-point play at nakalamang sa 41-39 na puntos. Sinubukang makalamang ang Xanthrons ngunit, hindi pinayagan ng Wolverines at napigilan nila ang Xanthrons. Nakapuntos muli ang Wolverines sa pamamagitan ng isang free throw hudyat para maiuwi nila ang kampeonato.





Ni Earl Nico Miranda

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.