Pythons umuwing kampeon sa Girl’s Division ng Volleyball #JHSIntrams17



      Nilampaso ng Pythons ang Dragons sa 25-27, 25-18, 25-20, gamit ang matitinding spike at set sa naganap na Volleyball Girls Championship sa FANCC noong ika-21 ng Hulyo.


     Dikit ang labanan sa unang set na tumabla nang sampung beses ang Dragons at Pythons gamit ang magigiting na spike, serve, at toss. Tabla ang labanan sa 24-24 kaya’t nanatiling malakas ang Dragons upang makamit ang panalo, 27-25.


       Magandang simula ang ipinamalas ng Pythons sa ikalawang set nang magpasabog sila ng 6-0 run sa pagsisimula nito. Nanatiling matatag ang Pythons sa buong set kaya’t walang tabla ang naganap. Nagtapos ang ikalawang set sa pabor ng Pythons, 25-18.
           
      Dinig na dinig ang suporta na ipinakita ng Dragons at Pythons sa ikatlong set nang uminit ang labanan at nagkaroon ng suno-sunod na rallies. Nanatiling nasa tiyempo ang laro ng Pythons kaya’t hawak nila ang set, 16-24. Pinilit namang lumaban ang Dragons nang maibaba nila ang lamang sa apat, 24-20, ngunit hindi ito ang naging hadlang para sa Pythons upang makamit ang kampeonato, 25-20.


-Renon Jumangit





Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.