Mga Bida ng Araw sa ikalawang araw ng Intrams #JHSIntrams

         Sa pangalawang araw ng Intrams, marami-rami na ang mga mag-aaral na nagsuot ng civilian, mayroon din tayong isang mag-aaral mula sa baitang 7 na bumida sa araw na ito. Ang ating pagkain ng araw ay mula sa Bottled up! Narito ang mga nahirang na bida ng pangalawang araw ng Intrams:

Para sa Suot ng Araw:


             Suot ng Araw! I-binida ni Allyana Lee ng Baitang 10 ang kanyang suot sa araw na ito. Ang kanyang puting pangtaas ay galing sa Forever 21, sinabayan niya ito ng itim na pantalon na galing sa Punny Jeans. Ang kanyang itim din na bag ay galing sa H&M, at ang kanyang puting sapatos ay nabili sa Converse.


         Si Kathrina Madrona mula sa baitang 8 ay isa sa mga napili para sa Kasuotan ng Araw. Ang kanyang puting t-shirt na bigay sa kanyang ng kanyang ina, maong na jacket galing sa BNY Jeans, at ang kanyang sapatos at pantalon na galing sa KCC Department Store.


      Suot ng Araw! Si Aldrix Urbano na mula sa baitang 8 ay isa din sa mga napili para sa Kasuotan ng Araw. Ang kanyang itim na T-shirt na ang tatak ay Jordan, at sapatos na puti galing sa Nike. 

        Suot ng Araw! Si Kiana Lim na mula sa baitang 9 ay pumili ng magsuot ng pink na blusa mula sa Zara, ang kanyang patterned na pangibaba ay galing sa Cotton On at ang kanyang sapatos na may tatak na Brash.

Para sa Pagkain ng Araw:

Pagkain sa araw na 'to! Ang pagkain na pumatok sa araw na ito ay chicken fillet na Bottled Up. May kasama itong malinamnam na gravy at kasama na sa iyong bayad ang isang maliit na iced tea o orange juice. Di lang ito masarap, swak din ito sa budget mo! Ito ay nagbibili sa halaga ng 50 pesos.

Para sa Tindahan ng Araw:

         Tindahan ng Araw! Ang napili na tindahan sa araw na ito ay ang Icycles Delight. Ngayong Intrams silay ay dinudumog ng mga tao dahil sa kanilang patok na binebentang load at tubig. Di lang 'yon, marami din silang iba pang binebenta tulad ng mga biscuit, candies, at iba pang mga meryenda. 

Para sa Manlalaro ng Araw: 

              Manlalaro ng Araw! Si Jayyed Chio ay isang volleyball player mula sa baitang 7. Kahit maliit ang tayo ng kanyang katawan, hindi ito naghadlang sa kanya upang makamit ang titulo ng kampeon sa laro ng Volleyball. Ito ay nagsasabi na hindi mo kailangan ng tamang ayos ng katawan, ngunit ang kailangan mo ang karanasan at pagsasanay para sa laro. 



At ito ang aming mga nahirang sa pangalawang araw ng JHS Intrams. Kung hindi kayo ang isa sa mga napili, huwag mag-alala dahil may pangatlong araw pa! I-handa na ang inyong mga sarili, talento at mga suot para bukas!


 

 






 

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.