Green Pythons, naghari sa Men’s Volleyball #JHSIntrams17


      Nakamit ng ng Green Pythons ang kampeonato sa Finals ng Men’s Volleyball sa 25-16, 25-17 na puntos na ginanap sa FANCC ng FWHKSJ Campus ng Pamantasang Ateneo.



       Sa unang set ng laban, nagpalitan ng mga malalakas na palo at service aces ang bawat koponan. Bukod dito, mahahaba ang mga rallies dulot ng matibay na depensa ng dalawang koponan. Pagdating sa kalagitnaan ng set, nagsimulang kumawala ang Pythons dahil sa kanilang service aces hudyat para lumobo ang kalamangan sa punto na 19-12. Simula sa puntong iyon, hindi na hinayaan ng Pythons na makawala ang set sa kanila at tinapos ito sa 25-17 na puntos.
           
       Sa ikalawang set, maagang nagtrabaho ang Dragons at nakalamang sa 12-8 na puntos. Katulad nang nangyari sa unang set, nakahabol ang Pythons at nakaungos na sa Dragons sa 20-11 na puntos. Sinubukan ng Dragons na makahabol at naidikit ito sa 22-17 na puntos. Ngunit, natapos ng Pythons ang laban sa pamamagitan ng dalawang spikes at isang service ace.
           
 -Earl Nico Miranda  


Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.