Basketball Girls, umarangkada na #JHSIntrams17
ni Renon Jumangit
Maghaharap
sa kampeonato ang koponan ng Baitang 8 at Baitang 9 nang talunin nila ang
kanilang nakaharap na koponan sa Basketball Girls Division na iginanap sa FANCC
noong ika-20 ng Hulyo.
Magandang depensa
at matinding opensa gamit ang fastbreak points ang ipinamalas ng Baitang 9
laban sa Baitang 7 sa unang yugto. Nahirapang maka-puntos ang koponan ng
Baitang 7 dahil sa matinding depensa ng Baitang 9 kaya’t nakasabog ng 8-0 run
ang Baitang 9 sa huling dalawang minuto ng unang yugto. Nagtapos ang unang
yugto sa puntos na 2-8 sa pabor ng Baitang 9. Sa ikalawang yugto, nanatiling
scoreless ang dalawang koponan sa unang anim na minuto. Sinubukang humabol ng
Baitang 7 nang maibaba sila ang kalamangan sa lima, 7-12. Ngunit, mistulang
nagkaroon ng coldspell ang Baitang 7 kaya’t nasungkit ng Baitang 9 ang panalo,
7-12.
Nanaig ang opensa
ng Baitang 8 laban sa Baitang 10 nang sumabog sila ng 8-0 run sa huling
dalawang minuto ng unang yugto, 8-2. Nagtapos ang unang yugto nang
maka-back-to-back jumper si Nurdina Laja upang lumamang ng 9 puntos, 5-16.
Ngunit, hindi nawalan ng pag-asa ang Baitang 10 at naibaba ang lamang sa 6
puntos nang makatira ng tres si Gleann Gorda, 10-16. Sa huli nakamit ng Baitang
8 ang panalo, 10-18.
Sa labanang Loser
vs Loser naman, nakamit ng Baitang 7 ang panalo by default.
Sa kasalukuyan,
maghaharap sa kampeonato ang Baitang 8 at Baitang 9 sa ika-21 ng Hulyo.
Walang komento: