Sabik na sabik #JHSIntrams17
ni Sameeya Sumbing
Magulo. Maingay. Masaya.
Sa wakas, nagsimula na naman ang
pinakahihintay at inaabangan ng buong Junior High School, ang Intramurals.
Maliban sa walang klase ang mga estudyante, maaari rin silang makilahok sa
iba’t ibang mga laro o palakasan na siguradong hahasain ang kanilang mga
talento at abilidad. Sa paraang ito, mapapakita ng mga mag-aaral ang kanilang
pagkakaisa.
Ang unang
araw ng Intramurals ay punong-puno ng excitement
at thrill. Ang mga estudyante rin ay
umaapaw sa energy. Mula sa parada hanggang
sa matapos ang iba’t ibang mga laro at gawain, hindi ito humuhupa. Mapa-social media man, sila’y nag-iingay at
aktibo pa rin.
Isa rin sa mga inaabangan ng mga
Atenista ay ang Vocal Solo, Vocal Duet, at ang Pop Dance Competition kung saan
ang mga napiling estudyante ay mabibigyan ng pagkakataon upang maipamalas ang kanilang
mga talento sa pagsayaw at pag-awit . Halatang-halata sa mga mukha ng mga
mag-aaral ang pagkasabik na makita ang mga kapwa kaklase at kaibigan na kumanta
o sumayaw sa entablado.
Sabi nga ni G. Honeyrod sa kanyang pambungad,
lahat tayo ay dapat gumalaw ngayong Intramurals. Tayo ay hinihikayat na makisali
sa iba’t ibang mga gawain at makihalubilo sa ating mga kamag-aral upang makabuo
tayo ng komunidad na matibay at nagkakaisa.
Sana ay mapanatili natin ito upang
maging mas mabunga ang mga susunod pang mga araw.
Walang komento: