Xanthrons, nakalusot mula sa Dragons #JHSIntrams17

       ni Earl Nico Miranda



     Nagwagi ang Grade 10 Xanthrons mula sa Grade 8 Dragons sa naganap na larong men’s football sa puntos na 3-2 na ginanap sa soccer field ng FWHKSJ Campus ng Pamantasang Ateneo.
  
   

    Sa unang bahagi ng laro, agresibong-agresibo ang Xanthrons at unang nakapuntos, 1-0. Ngunit, agad nakabawi ang Dragons at naitabla ang laban sa 1-1 na puntos. Muling nakatala ng puntos ang Dragons sa hulihang bahagi ng unang yugto at nagtapos sa 2-1.

   

    Sa ikalawang yugto, naging mahigpit ang depensa ng bawat koponan kaya’t nahirapan ang magkatunggali na makalusot at makasungkit ng goal. Nagpatuloy ang mahigpit na depensa ng dalawang koponan ngunit, sa bandang dulo ng laban nakabuslo ng isang goal ang Xanthrons para maipahaba ang laban sa isang penalty shootout.

   

    Sa penalty shootout, nahirapan ang mga manlalaro na makatala ng puntos dahil sa magandang depensa ng mga goalkeepers ng bawat koponan ngunit, nakalusot ng isang goal ang Xanthrons hudyat para maipanalo nila ang laban.


  

    Tutuloy ang Xanthrons sa Finals at hinihintay na nila ang kanilang makakasagupa sa pagitan ng Grade 9 Wolverines at Grade 7 Pythons na siyang gaganapin sa Biyernes ganap na ika-21 ng Hulyo.  











Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.