SWAK NA PAGKAIN SA INTRAMS
Sa dinami-dami ng pagkain na maaring pagpilian, may ilan na naging mabenta sa mga mag-aaral ng JHS dahil sa kakaibang lasa at hatid nito. Narito ang limang pinakapatok sa panlasa ng mga Atenista sa linggo ng Intrams 2016.
KWEK-KWEK
- Isa itong pinoy "street food" na maaaring sabayan ng maanghang at matamis na sarsa. Ang kwek-kwek ay talagang patok sa mga Atenista dahil sa kakaibang lasa at sarap nito. Ito ay nabibili sa Quickbits.
- Larawan ay kinuha sa: PanlasangPinoy.com
FRENCH FRIES
- Mapabata man o matanda, patok na patok ito sa lahat. May iba't - ibang lasa katulad ng cheese, sour cream , at barbeque. Ito ay bagay na pang-meryenda at sabayan pa ng isang malamig na iced tea, tiyak na masasagot ang iyong gutom at uhaw. Ito ay nabibili sa Quickbits.
- Larawan ay kinuha sa: stevebuchanan.wordpress.com
- Ito ay may lamang chicken patty na maaaring sabayan ng keso o di kaya ng mayo. Maaari rin itong sabayan ng isang maanghang na sarsa. Bagay na bagay na pang-meryenda, nakabubusog at mura. Ito ay nabibili sa Cesar's Pizza.
- Larawan ay kinuha sa: affotd.com
- Ito ay maaaring lagyan ng mayo at ketchup sa tinapay. Kung kulang pa, maari rin itong pang-ulam kasama ng kanin. Swak na sa bulsa sa halagang 25 PHP (hotdog in a bun) at 30 PHP naman (hotdog with rice) na swak din panlasa. Ito ay nabibili sa Cesar's Pizza at Bottled Up.
- Larawan ay kinuha sa: boards.straightdope.com
- Matamis-tamis at maalat-alat sa lasa, tamang-tama ito sa pananghalian. Sabayan pa ito ng kanin at malamig na inumin. Talagang sulit na sulit ang inyong pananghalian. Ito ay nabibili sa Tat's Barbeque.
- Larawan ay kinuha sa: www.angsarap.net
Ni: Gracelyn Lagera
Walang komento: