TUGTOG NG INTRAMS
Kasali sa mga pakulo noong Intrams ay ang Campus Radio. Marami ang lumapit at nagpatugtog ng kantang kanilang gusto sa Council of Leaders o COL. Narito ang limang pinakapatok na kanta na sumikat sa Intrams. Ang impormasyon ay nakalap mula sa COL.
Sweatshirt ni Jacob Sartorius
Ang kantang ito ay tungkol sa lalaking nais na ipasuot ang kanyang sweatshirt sa babaeng kanyang napupusuan. Ito ay patok sa mga taong may hinahangaan o minamahal.
Secret Love Song ng Little Mix ft. Jason Derulo
Ang kantang ito ay maihahalintulad sa sitwasyon nina Romeo at Juliet kung saan hindi sila maaaring magsama. Sinasalamin ng kantang ito ang sitwasyon ng dalawang nagmamahalan na nagkita ngunit hindi tinadhana.
Trumpets nina Sak Noel, Salvi at Sean Paul
Ang Trumpets ay sumikat dahil sa pagbuo ng mga tao ng kanilang sariling sayaw o dance craze na kung tawagin ay "Trumpets Challenge". Maraming gumawa ng sariling bersyon sa social media kung saan nahawa rin ang mga Atenista.
One Dance nina Drake ft Kayla at Wizkid
Ito ay tungkol sa isang tao na nais makasayaw ang babaeng iniirog niya bago siya umalis. Patok ito sa kabataan ngayon dahil karamihan ay nakadadama ng sitwasyon na pinapakita ng kanta.
Best Friend ni Jason Chen
Itong kantang ito ay tumutukoy sa isang lalaking nagkagusto sa kanyang matalik na kaibigan, ngunit hindi niya maamin ang kanyang lihim na pagtingin sa babae. Hindi pa rin sumusuko ang lalaki at patuloy na hinihiling na mamahalin siyang pabalik ng babaeng pinapangarap niyang makasama sa buhay.
Ni: Joyce Bicalas
Larawan ay kinuha sa: Google Images
Larawan ay kinuha sa: Google Images
Walang komento: