BUOD NG INTRAMS 2016
Ika-25 ng Hulyo, naganap ang ADZU Intramurals 2016. Pinangunahan
ni Fr. Stephen T. Abuan, SJ ang pagsisimula ng Intamurals 2016. Sinundan ito ng
lighting of the torch, panunumpa ng mga manlalaro at pagalsa ng mga banners ng
bawat klase. Makikita ang kasiyahan at kasabikan sa mga mukha ng mga mag-aaral.
Mga nakabibinging hiyawan at sigawan ng mga mag-aaral ang
nangingibabaw sa bulwagan. Lahat ay sabik sa mga kompetisyong magaganap kung
saan mapapakita nila ang kanilang mga talento at galing. Sa unang araw,
nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ng bawat baitang sa Pop Dance. Lahat ng
nagtanghal ay nakamamangha at masasabing naghanda ng mabuti.
Sa huli, tinanghal na panalo ang The Premiers, ika-sampung
baitang. Sa unang araw rin naganap ang nakatataas balahibong paligsahan sa
pag-awit. Ang bawat birit sa duet at solo competition ay talagang nakabibilib.
Nagwagi ang Baitang 9 sa duet at solo competition.
Pagkatapos nito, sinimulan na rin ang mga laro at paligsahan.
Palaban ang mga mag-aaral, lahat ay gustong makamit ang titulong overall champion
para sa kanilang batch. Determinado ang bawat manlalaro na manalo sa kanilang
mga laro. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa bawat kompetisyon.
Sa huling araw ginanap ang huling paligsahan ng Intramurals 2016, ang
cheerdance competition.
Sa lower category, ang Green Buddies laban sa Red
Crusaders kung saan nanalo ang Green Buddies. Sa upper category naman, ang
Yellow Army laban sa The Premiers kung saan nanalo ang Yellow Army. Pagkatapos
ng cheerdance ay binigay ang parangal sa mga manlalarong nagpakitang gilas sa
iba’t ibang isports. Matapos ibigay ang mga parangal ay iginawad na ang
pinaka-inaabangan ng lahat- ang malaman kung sino ang overall champion sa taong
ito.
Nagwala at naghiyawan ang The Premiers nang tinanghal silang
overall champion. Dahil sa kagalakan, dinumog ng baitang 10 ang bulwagan.
Makikita ngayong Intamurals 2016 ang pagkakaisa ng bawat mag-aaral
para maitaas ang bandila ng kanilang baitang. Mula sa masayahing Green Buddies,
aktibong Red Crusaders, palabang Yellow Army at todo-bigay na The Premiers,
pinatunayang ito ay isang hindi makakalimutang Intrams lalong-lalo na sa Baitang 10 dahil ito na ang kanilang huling Intramurals sa Junior High
School.
Ni: Princess Marizhar Omar
Larawang kuha nina: Jim Alfraro, Meg
Gerodias, Mark Palileo, Daren Sia, Christine Allazas, Zeirahma Abdulhasad, Rain Hadjirul, Claire
Catadman.
Walang komento: