IGNACIO DE LOYOLA
Ilang araw
na rin ang lumipas nang opisyal na ipinalabas ang pelikulang Pinoy na hatid ng
Jesuit Communications of the Philippines. Nakapanayam ng La Liga Atenista si
G. Kiko Miranda, ang tagapangasiwa ng Ignacio de Loyola film viewing noong Hulyo
27 sa KCC Mall de Zamboanga. Narito ang sagot ni G. Kiko:
Paano niyo po pinaghandaan ang event na ito?
"Unang una, kami ay kinontact ng Jesuit
Communications of the Philippines, ang official communication arm ng mga Jesuits dito sa Philippines nung summer para hikayatin kami ayusin or i-organize ang screening ng Ignacio De Loyola dito sa Zamboanga.
Simula non, tuloy-tuloy na ang paghahanda para sa screening na to para
sa mga Atenista, alumni natin, sa mga kaibigan ng Ateneo, at para
rin sa mga iba na-touch sa mga turo at buhay ni San Ignacio."
Bakit kailangan ito panoorin ng mga tao?
"Lalong-lalo na siguro sa mga Atenista or nakapasok sa Ateneo or kahit sa mga hindi naka- experience ng Jesuit education. Yung buhay ni San Ignacio na mapapakita sa pelikula ay isang talambuhay ng isang may mga problema, may mga issues , may temptations kung paano ang isang pangkaraniwang tao na maaring ma-convert into saint. Si San Ignacio naman hindi siya nagsimula sa santo na o madasalin man na binata. Si San Ignacio ay nagsimula bilang babaero, swabe, may thirst sa power, sa war, ganito ang kinalakihan ni Ignacio. Simula nung what they call 'The cannonball experience', yun yung nakapagbago sa kanya. Na kanyang na-realize ang buhay pala talaga ng tao ay pagsilbihan ang diyos. [Hindi] ang wealth, kundi ang buhay pala talaga ng tao ay pagsilibhan ang diyos. Kaya maganda itong panoorin ng lahat ng tao dahil madalas na tatanungin natin sa sarili natin na 'ano ba ang purpose ko in life?' Sa talambuhay ni San Ignacio, makikita natin kung paano niya nakita ang greater calling."
Tagapanayam: Astin Eustaquio
Larawan ay kinuha sa: Official Facebook Page ng Ignacio de Loyola at ni Pilar Ardel Delumpines
Walang komento: