MALIGAYANG PAGDATING
Noong mga nakaraang taon, naihatid ng La Liga Atenista ang mga balita tungkol sa mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng paaralan. Noong 2015, naipalabas nito ang unang feature magazine ng organisasyon sa madla na tinawag na Bukambibig.
Noong 2016, nailabas nito ang pangalawang isyu ng Bukambibig na siyang tumalakay sa iba't - ibang aspekto ng pagiging Atenista. Naibigay rin nito ang ang Dulce Y Dolor ng Pahina, ang opisyal na literary folio ng La Liga Atenista
Dito ipinakita ang husay at galing ng mga mag-aaral sa sining at panitikan. Sa ikapitong taon ng pagseserbisyo sa Junior High School, nagagalak ang La Liga Atenista na ihatid ang bago nitong pakulo sa madla, ang Vista De Aguila, ang interaktibong tagapagpahatid ng balita at panitikan. Maligayang pagbabasa !
Nina: Alfred Torrino at Lance Lagumbay
Larawang kuha ni: Meg Gerodias
Walang komento: