MAHAL NA BIRHENG MARIA
Nuestra Señora del Rosario (1924) -Ang patrona ng mga kongregasyon ng rosaryo at kapayapaan. Sa kanya nagdadasal ang mga tao ng proteksyon laban sa kapahamakan at aksidente. Ang kanyang araw ng kapistahan ay Oktubre 7.
Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje (1926) -Ang patrona ng mga galyon. Siya ay tinawag na patrona ng mga galyon dahil sa walong beses niyang paglakbay mula Mexico hanggang Maynila ng ligtas. Sa kanya nagdadasal ang mga tao na bigyan sila ng ligtas na biyahe, maging internasyonal man ito o lokal. Ang kanyang araw ng kapistahan ay Disyembre 8.
Nuestra Señora del Pilar (1960)Ang patrona ng lungsod ng Zamboanga.
Siya ay pinaniniwalaan na nagbigay ng proteksyon sa lungsod laban sa mga
mananalakay. Ang kanyang araw ng kapistahan ay Oktubre 12.
Nuestra Señora de Peñafrancia (1985)
Ang patrona at reyna ng lungsod ng Bicol. Siya
ay pinaniniwalaan na marami ng nagawa na milagro kaya’t ang mga deboto ay
patuloy na dumadagsa sa Basilica Minore upang magdasal at humingi ng gabay. Ang
kanyang araw ng kapistahan ay ang ikatlong Sabado ng Setyembre.
Nuestra Señora del Carmen (1991) -Ang patrona ng Carmelite Order. Ang
debosyon ng mga tao ay nakasentro sa eskapularyo ni Nuestra Señora del Carmen dahil
ito ay nagpapakita ng paglalaan ng paniniwala sa Mahal na Birhen at pagkakaugnay nito sa Carmelite Order. Ang kanyang araw ng kapistahan ay Hulyo 16.
ito ay nagpapakita ng paglalaan ng paniniwala sa Mahal na Birhen at pagkakaugnay nito sa Carmelite Order. Ang kanyang araw ng kapistahan ay Hulyo 16.
Nuestra
Señora de la Inmaculada Concepcion(2008) -Ang Mahal na Birheng Maria na
kilala sa iba’t ibang pangalan. Ang ina ng mahal na Hesus. Ang kanyang araw ng
kapistahan ay Disyembre 8.
Ilan
lamang ito sa mga tanyag na Birheng Maria sa Pilipinas. Marami pang iba na maaari
nating kilalanin. Mainam na pagtuunan natin ng pansin
ang pagkilala sa iba’t ibang
Birheng Maria upang lumawak ang ating kaalaman at patuloy pa na lumakas ang ating pananampalataya.
Birheng Maria upang lumawak ang ating kaalaman at patuloy pa na lumakas ang ating pananampalataya.
Isinulat ni: Meg Gerodias
Ang mga larawan ay kinuha sa Google Images
Walang komento: