Ang mga Bida ng Araw #JHSIntrams17
Narito na ang mga hinirang na mga bida ng araw:
Tindahan ng Araw! Chinitos! Ito ang higit na dinadagsa ng mga mag-aaral sa araw na ito dahil hindi lamang masarap ang mga binebenta nila kung hindi ito'y sakto lang sa bulsa mo! Isa sa mga binebenta nila ang rice in a box na naghahalaga lamang sa presyo ng 50 pesos.
Suot ng Araw! Sa suot na pantalon na galing sa Forever 21, simpleng PE Shirt, puting sapatos ng Lacoste at bag na mula sa Primadonna, pinili si Sheihan Narawi ng Grade 10 Bellarmine bilang may pinakamagandang suot sa araw na ito. Simple lamang ang kanyang pananamit ngunit, nababatay ito kung paano mo dadalhin ang inyong sarili!
Para sa mga Manlalaro ng Araw:
Manlalaro ng Araw! Walang pinagsanayan at hindi kailanman naging varsity ng palakasang Football ngunit siya ang tumayo bilang goalkeeper ng Baitang 10 Football girls. Wika niya, nabubuhos daw lahat ng presyon sa kanya, dahil sa kanya umaasa ang kanyang mga kasamahan. Sa kabila ng lahat, sila'y nagwagi pa rin at malinaw naman na kakaibang abilidad ang ipinakita ni Andrea Indanan ng Arrowsmith ng Baitang 10. Determinasyon at paniniwala ang daan para sa tagumpay!
Isa din sa mga napiling manlalaro ng araw! Kinakabahan ngunit lumalaban! Hindi ginawang hadlang ni Diana Corral ng Daniel ng Baitang 9 ang takot sa pagkamit ng kampeonato sa palakasang Football girls. Natalo man, ngunit, hindi ito ang hudyat na natapos na ang laban. Ito'y isang pangyayaring dapat pahalagahan. Matalo man o manalo, basta ang mahalaga, ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya.
Para sa Tindahan ng Araw:
Tindahan ng Araw! Chinitos! Ito ang higit na dinadagsa ng mga mag-aaral sa araw na ito dahil hindi lamang masarap ang mga binebenta nila kung hindi ito'y sakto lang sa bulsa mo! Isa sa mga binebenta nila ang rice in a box na naghahalaga lamang sa presyo ng 50 pesos.
Para sa Pagkain ng Araw:
Pagkain ng Araw! Ice Cream! Halata naman kung bakit ice cream ang pili ng mga mag-aaral sa araw na ito. Maliban sa ito'y masarap at mura, nababagay din ito sa mainit na panahon na nararanasan natin ngayon.
Walang komento: