#MANNEQUINCHALLENGE
Mga Tuntunin sa Pinakamagandang Mannequin Challenge
1.) Ito ay bukas sa lahat ng klase at club ng JHS
2.) Ang video ay kailangang hindi lalampas sa 1 minuto.
3.) Ang video ay nagpapakita ng natatangi at malikhaing sitwasyon naganap sa loob ng JHS (klase) at ibang lugar pampaaralan (club).
4.) Ang video ay dapat gender at cultural sensitive.
5.) Ang video ay dapat hindi nagpapakita ng kalaswaan, kasamaan o anumang di kanais-nais
na kaganapan.
6.) Ang video ay dapat angkop sa panlasa ng mga mag-aaral manonood nito.
7.) Ang video ay dapat mai-post sa Facebook page ng La Liga Atenista. Ang pangalan
nito ay La Liga Atenista. Kailangang magkaroon ng maikling deskripsiyon o paglalarawan
ang inyong ipapaskil na video. Isama ang pangalan ng klase o ng club sa paglalarawan.
8.) Ang video ay huhusgahan sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan: Sinematograpiya, Pagkamalikhain, Kahusayang Teknikal, Dating sa Tagapanood.
9.) Bahagi ng paghuhusga ang dami ng mga like, share, reaction sa alinmang hatirang
pangmadla ng La Liga Atenista - Facebook, Twitter at Instagram.
10.) Makatatanggap ng premyo (pera) ang mananalong video.
11.) Ipapaskil sa Vista (blogsite ng LLA) ang mga mananalo.
12.) Ang paligsahang ito ay tatagal lamang ng isang linggo. Mula Nobyembre 14-20, 2016.
13.) Ang desisyon ng bumubuo ng LLA ay pinal at hindi na mababago.
Walang komento: