CURA PERSONALIS: MULING IPINADAMA


Cura personalis: Muling ipinadama
Ni: AJ Maravilla
Larawang-kuha: Claire Catadman

            Iba't ibang organisasyon ng Mataas na Paaralang Junior ng Ateneo de Zamboanga ang dumalo sa Outreach Program ng Social Action na ginanap noong unang araw ng Oktubre sa Mababang Paaralan ng Lunzuran.

       Sa ginanap na Outreach, maraming natutuhan ang mga mag-aaral ng Lunzuran. Tulad ng pagdarasal, pagguhit, magagandang asal at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay tinuruan ng mga miyembro ng mga organisasyon ng JHS kasama ang kanilang mga modereytor. May naganap ding mga laro na higit na ikinatuwa ng mga mag-aaral. Ang mga organisasyon ay hinati ayon sa kanilang klaster at inatasan sa isang baitang.

           Sa pagtapos ng Outreach, bahagyang nalungkot ang mga mag-aaral ng LES. Napagod man ang mga ate at kuya, ito ay napawi nang makita ang bawat ngiti ng mga mag-aaral.

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.