MATH DAY

MATH DAY
Ang iba't ibang likha ng mga mag-aaral ng G9 sa kanilang Math Park na ginanap noong ika-apat ng Oktubre.
Larawang kuha ni: Consie Villanueva

Sipnayan,numero uno sa JHS Inilunsad ng Kagawaran ng Sipnayan ang Math Day sa ikaapat ng Oktubre. Sa paggunita, ipinakita ang iba't ibang mukha ng mundo ng Sipnayan at ang paggamit nito sa totoong buhay. Kitang-kita sa mga mag-aaral ang saya at pagkasabik sa mga kaganapan. Balikan ang Kapana-panabik na mga pangyayari. Ang Baitang 7 ang nagsilbing manlalaro para sa Matching Ball. Ang Minute to win it naan ay nilaro ng mga mag-aaral mula sa Baitang 8. Ang bawat seksyon sa Baitang 9 ay gumawa ng kanilang parkeng pansipnayan. (Math Park) na itinampok ang iba't ibang laro na may kaugnayan. Naglaro naman ng Survey Says ang mga mag-aarl ng Baitang Sampu. Nagkaroon din ng pagpapalipad ng saranggola na bukas sa lahat. Narito naman ang ilan pang mga larong pansipnayan: Damath, Sudoku, Math Bingo, Math Movies, Math Hugot, Photobooth at Math Trivia. Marami ang lumahok at umuwi nang may premyong dala. Talaga ngang makulay at masaya ang mundo ng Sipnayan. Numero Uno. 

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.