Lumiliyab #JHSIntrams17


            Pangalawang araw na ng Intramurals, may mga bago na namang laro kung saan maipapamalas na naman ng mga estudyante ang kani-kanilang galing sa iba’t ibang mga palakasan.
           
            Ang mga mag-aaral ay nanatili pa ring aktibo sa iba’t ibang palakasan na kanilang sinalihan. Sila ay game na game sa bawat hamon na ihaharap sa kanila.

                
           Mas humihigpit at umiinit na ang labanan kontra sa pagitan ng mga baiting sa pagkamit ng Overall Championship. Ipinapakita rin ng mga estudyante na sila ay hindi magpapatalo sa iba’t ibang mga kompetisyon.

            
            Hindi na rin makapaghintay ang lahat para bukas dahil huling araw na ito ng Intramurals at bukas magaganap ang pinakaaabangang Cheerdance Competition kung saan ang mga piling mag-aaral ng bawat baiting ay maghahanda ng isang sayaw at hahataw sa entablado na siguradong magpapasindak sa buong bulwagan ng Junior High School. At higit sa lahat, sabik na  sabik nang malaman ng mga mag-aaral ang magiging Overall Champion para sa 2017 Intramurals, lalo na ngayon na mas humihigpit ang labanan sa pagitan ng mga palabang baitang.





-Sameeya Sumbing



Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.