PAG-ALALA SA BREBEUF GYM




Sumiklab ang isang sunog sa 66 na taong gulang na Brebeuf Gym sa Ateneo de Zamboanga University, umaga ng ika-7 ng Hulyo. Halo-halong reaksyon ang umagos mula sa mga taong nagmamahal sa gusaling iyon. Nakapanayam ng La Liga Atenista si G. Santiago Araneta, isa sa mga taong nakaranas ng buhay sa Brebeuf Gym. Narito ang ilan sa mga tanong at sagot na naisalin sa Wikang Filipino. 




Ano ang mga karanasan niyo sa Brebeuf Gym ?


   "Naalala ko pa noon, doon naganap ang aking freshmen orientation noong 1961. Doon ko rin unang inilahad ang aking mga talent. Doon rin nangyari ang mga pagsasama/overnight naming magkaklase."


Bilang alumnus ng ADZU, ano po ang naramdaman ninyo hinggil sa balita ?


    "Naramdaman ko na kumukupas ang aking mga alaala sa Brebeuf Gym. Naalala ko pa noong bago nangyari ang insidente, ay nakita ko pa ang gym na hindi pa wasak. Nakalulumbay dahil ang diwa ng paaralan ay wala na. Ngunit positibo ako na babangon tayo muli."


Ano po ang maitutulong ninyo sa muling pagbangon ng Brebeuf Gym? 


"Ang klase ng '73 ay nagpaplano ng mga proyekto upang mag-ambag sa muling pagbangon ng Brebeuf Gym. Ang mungkahi ko naman para sa JHS (maliban sa AMDG Fund Drive) ay magbenta ng mga bagay tulad ng raffle tickets, atbp. At kung maari rin ay gumawa ng mga proyekto sa mga klase tulad ng "Piso For a Day" na ginagawa rin namin noon ng aking mga kaklase."



Nakapanayam ng La Liga Atenista ang isa sa mga band members ng Ateneo Concert Band. Narito ang sagot ni Bb. Franchesca Delos Santos ng 10-Ogilvie.

Ano ang reaksyon mo ng malaman mo ang tila hinggil sa pagsunog ng Brebeuf Gym ?

"Ako ay nagulungkot at nagulat. Mahirap tangapin ang pangyayari at patuloy p a rin ako nag dudusa sa mga nangyayari. Nang makita ko ang isa kong ka-bandmate naumiiyak, doon na nag simula ang aking masamang kutob."

Gaano kahalaga ang Brebeuf Gym para saiyo ?

"The gym was our second home especially the band room. Noong nasa grade school pa lang ako, pinupuntahan ko na ang lugar pagkatapos ng klase. Lahat ng mga naranasan ko doon ay mahalaga. Mapa-malungkot man o masaya, lahat ay may parte sa aking buhay."

Paano makatutulong ang mga mag-aaral sa muling pagbangon ng Brebeuf Gym ?
"Sa pamamagitan ng mag donasyon at iba pang pinansyal natulong na magagawa rin sa pagtutulungan ng buong klase."


Positibo sa nakikitang motibo ng tumutulong, umaasa sila na balang araw ay makikita nilang muli ang lugar sa isang maayos na kondisyon. Ayon din kay G. Araneta, "Memories just fade away, they don't die." Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbuhos ng tulong at suporta para sa muling pagbangon ng Brebeuf Gym at ng banda mula sa iba't ibang bahagi ng bansa sa paraang pag-fundraising, pagbenta ng T-shirt, at iba pa. 

#WeWillRise


Tagapanayam: Haydee Abdulkahal
Larawan ay kinuha kay: G. Ryan Miranda, Franchesca Delos Santos


Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.